Pagtatanghal Agosto 10-31, 2017 LRT2 Stations para Buwan ng Wikang Pambansa
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto!
Magandang hapon at sana ay nasa mabuting pagkakataon ang pagbasa nyo ng aming liham.
Kami po na lupon ng iba ibang grupo sa musika at pagtula ay magtatanghal sa loob ng LRT 2 Stations simula ngayong Agosto 10 hanggang Agosto 31. Layon po namin na tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga tao ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 sa pamamagitan ng libreng pagtatanghal sa wikang Pilipino ng mga awit at tula. Sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng LRTA, kami po ay sumusuporta sa gawain at adhikain ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa buwan na ito.
Ang slogan sa taong ito ay “Filipino Wikang Mapagbago” at naniniwala kami na malaki ang maitutulong ng pagpapalaganap sa paggamit ng wika sa larangan ng turismo, edukasyon, kultura (kasama na ang musika at tula, hanggang sa media) gayun din pagpapakilala sa talento ng Pilipino. Sa pamamagitan din nito, nais namin maibalik ang interes ng tao sa musikang Pilipino maging sa iba pang uri ng sining na pinakilala ang Pilipinas.
Kami po ay nagsimula sa pagtatanghal sa mga kalye nuong Oktubre 2014 kung saan kami po inilathala din ng Interaksyon TV5 at nakapagdaos na din ng isang maliit na konsyerto noon sa People’s Park In The Sky sa pahintulot ng Munisipyo ng Tagaytay kung saan kami ay tumugtog ng mga pinasikat na awiting Pilipino at inilathala ng Wazzup Pilipinas at Rappler. Ito po ang aming unang pagtatanghal na lahat ng awit at tula ay sa ating sariling wika.
Ang mga musikang aming aawitin ay mga pinasikat na awit sa wikang Filipino at mga sariling obra sa wikang Filipino ng mga kasamang manunulat. Gayundin din ay aming ipapakilala ang mga likhang tula, tulang liham at talumpati sa Wikang Filipino ng ilang kasamahan na naglaan ng panahon para sa gawaing ito.
Ang detalye po ng aming gagawin ay nasa Facebook bilang isang event na may pangalang “Mga Awit At Tula Sa Wikang Pilipino Sa Byahe sa Metro”. Kalakip sa aming programa sa bawait istasyon na gagamitin ang imungkahi na tingnan ang website ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mas maraming kaalaman tungkol sa mabuting buwang ito.
Maari nyo ring mapanood ang ilan sa mga naging pagtatanghal ng unang linggo sa pamamagitan ng mga Facebook link. Maari po kami ng magpadala ng mga larawan at patuloy naming iniipon ang mga video at larawan para sa gawing ito.
Nawa po ay maging katulong namin kayo sa pagpapalaganap sa gawaing ito.
- Kaspersky Lab helps uncover vulnerabilities on gas stations by hackers - February 12, 2018
- 26-percent of Ransomware Attacks now target business - November 30, 2017
- The Battle is on to Fight Human Immunodeficiency Virus (HIV) - November 27, 2017