Pagdisarma sa Pamilya Garduce, Ipinataw ng Tomas Pilapil Command
Matagumpay na isinagawa ng mga pulang mandirigma sa ilalim ng Tomas Pilapil Command ang pag-disarma sa pamilyang Garduce na naninirahan sa Bgy. Bucogan, Lagonoy, Camarines Sur nitong Marso 28, 2017, araw ng Martes, ika-5 ng umaga.
Nasamsam sa isinagawang reyd ang isang M-16 riple at 18 magasin na nasa kanilang pag-iingat.
Ang isinagawang pag-disarma sa pamilyang ito ay bilang bahagi ng paniningil at pagpataw ng hustisya sa mga kinasasangkutan nitong pang-aabuso at paglabag sa mamamayan partikular sa Bgy. Bucogan. Batay sa masusing pag-iimbestiga sa record ng pamilya Garduce, mababatid na mayroon itong 3 anak na kabilang sa Phil. Army at 1 na nasa Phil. Marine na siyang nag-iimbak ng mga matataas na kalibre ng armas at amunisyon sa kanilang bahay.
Sa katunayan, ginagamit nila ang naturang armas na ito para takutin ang mismong opisyales ng barangay na minsan nilang sinugod bitbit ang mataas na kalibre ng M16 dahil naistorbo diumano sila sa paggamit nito ng wang-wang bilang bahagi ng pagpapalaganap ng impormasyon sa ipinapatupad na resolusyon hinggil sa pagpataw ng curfew sa mga menor de edad.
Aktibo din ang nasabing pamilya sa lantarang pamimwersa upang makapag-rekluta ng mga asset ng military na ginagamit laban sa rebolusyonaryong kilusan at hukbong bayan. Dagdag pa, kinukumpirma din na imbwelto ang pamilyang ito sa mga iligal na tistisan at pamimili ng kahoy na dagdag na sumasalaula sa pagkasira ng kalikasan.
Taliwas sa naging pahayag ni Capt. Ronnie Madrinian, Officer-In-Charge ng Division of Public Affairs Office (OIC-DPAO) ng 9th ID Phil. Army na dinukotsi Bb. Gladizelle Garduce matapos walang makuhang armas sa paghalughog at gamitin upang humingi ng kapalit na ransom ay isang malaking kasinungalingan. Kailanman ay walang rekord ang NPA na mahahalintulad sa mga bandidong gawi kung saan humihingi ng ransom money sa pamilya ng mga diumano’y dinudukot.
Ang katotohanan ay isinama si Bb. Garduce sa layuning higit na pag-iimbestiga at pagpapalalim pa sa mga impormasyon na kinasasangkutan ng kanilang pamilya. Mataas ang naging paggalang at pagrespeto sa kanyang mga karapatan at tiniyak ang kanyang kaligtasan matapos ang isang proseso ng pag-imbestiga ay inihatid ito ng mga pulang mandirigma sa isa niyang kaibigan upang tiyak na makabalik at ligtas na makauwi sa kanyang pamilya.
Ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay patuloy na magsasagawa ng mga pag-didisarma sa mga aktibong bahagi na lumalabag at tahasang nag-aabuso sa mamamayan, lumalabag sa mga patakarang ipinatutupad ng rebolusyonaryong kilusan at lantarang nagpapagamit sa reaksyunaryong sandatahang lakas laban sa armadong kilusan ng mamamayan.
- Kaspersky Lab helps uncover vulnerabilities on gas stations by hackers - February 12, 2018
- 26-percent of Ransomware Attacks now target business - November 30, 2017
- The Battle is on to Fight Human Immunodeficiency Virus (HIV) - November 27, 2017